Mga tropa sa Western Command, personal na kukumustahin ni AFP Chief of Staff Gen. Brawner, kasunod ng water cannon incident sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng huling insidente ng pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS), magtutungo ngayong araw si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner sa Western Command (WESCOM) Puerto Princesa, Palawan.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Ileto, nais alamin ni Gen. Brawner kung ano ang lagay ng mga tropa sa WESCOM makaraan ang pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Gusto din aniyang malaman ng heneral kung ano ang mga pangangailangan ng ating mga tropa sa Palawan.

Ito aniya ang unang pagkakataon na bibisita si Gen. Brawner sa WESCOM bilang AFP Chief.

Sinabi naman ni Ileto na nananatiling mataas ang morale ng mga tropa sa WESCOM, kung saan tuloy ang kanilang misyon na itaguyod ang soberenya ng bansa sa WPS. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us