Pagpro-programa ni Cagayan Governor Mamba sa isang radio station na pinondohan ng P16 million, hindi aprubado ng sangguniang panlalawigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napuna ng House Committee on Public Accounts at Suffrage and Electoral Reform ang hindi awtorisadong pagpopondo para sa programa ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa Bombo Radyo Tuguegarao.

Ang naturang programa ang isa sa sentro ng inquiry in aid pf legislation ng Kamara dahil dito umano nag-aanunsyo ang gobernador ng pamamahagi ng P1,000 na ayuda sa mga residente kahit pa panahon ng eleksyon.

Maliban dito, ginagamit din umano ang naturang programa para tuligsain ang mga kalaban sa politika.

Batay sa paglalahad ni Vice Governor Melvin “Boy” Vargas Jr., na chair ng ng Sangguniang Panlalawigan (SP), ilang beses na nilang tinawag ang pansin ng opisyal at maging ng Commission on Audit (COA) hinggil sa hindi awtorisadong pagpopondo ngunit walang naging aksyon

P16 million ang pondo sa naturang programa na umeere ng anim na araw, o P4 million para sa 105 na araw na palabas.

Ipinunto ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers na miyembro ng komite, hindi maaaring maglabas ng ano mang pondo ang provincial governor kung hindi inapurbahan ng sangguniang panlalawigan salig sa local government code.

“Since there is no authority given to the provincial governor as well as the accountant, and the budget officer to release payment for this program, from the beginning there’s already a violation. If public funds are being used for that program, and under the local government code there has to be an authority given by the Sanggunian,” ani Barbers.

“I think the Constitution tells us…no money shall be paid out of the treasury except in pursuance of an appropriation made by law. Maliwanag po yun. You are violating not only the local government code but you are violating the Constitution,” dagdag naman ni SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta na miyembro din ng komite.

Dahil naman dito, pinasusumite ng Komite sa Bombo Radyo ang resibo ng bayad ng provincial government sa kanila.

Nais din ng komite na suspendihin muna ng Bombo Radyo ang naturang programa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us