Dating Unang Ginang Imelda Marcos, binisita ang puntod ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginunita ng Ina at mga kapatid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ika-106 na kaarawan ng kanilang ama na si yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., ngayong araw.

Kung si Pangulong Marcos Jr. ay nasa kanilang hometown sa Ilocos Norte, tahimik namang ginunita nila dating Unang Ginang Imelda Marcos, Sen. Imee Marcos, at Gng. Irene Marcos – Araneta ang kaarawan ng kanilang haligi sa Libingan ng mga Bayani.

Doon, nag-alay sila ng isang misa para sa yumaong dating Pangulo at sinabayan din ng pag-aalay ng bulaklak sa puntod nito.

Magugunitang 2019 nang tuluyang maihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang labi ng yumaong dating Pangulo, sa bisa na rin ng kautusan ng Korte Suprema gayundin sa pag-apruba ng noon ay Pangulong Rodrigo Duterte. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: Office of the Chief Public Affairs, Philippine Army

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us