Davao City Police Office, nanawagan sa mga Dabawenyo na isumbong ang mga rice trader na lumabag sa price ceiling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Davao City Police Office sa mga Dabawenyo na agad ireport sa kanila kung may mga rice vendors na lumabag sa rice ceiling price batay sa ipinapatupad na Executive Order No. 39 ng Pangulo.

Ayon kay Davao City Police Spokesperson PCapt. Hazel Tuazon, inatasan sila kasama ang ibang mga law enforcement agencies na tumulong sa Department of Agriculture at Department of Trade and Industry sa pagpapatupad ng naturang kautusan sa pamamagitan ng paghuli ng mga violator.

Aniya, ito ay upang masigurong sinusunod ng mga rice vendors ang ipinapatupad na price cap na P41 kada kilo ng regular milled na bigas at P45 kada kilo na well-milled.

Panawagan ng DCPO sa publiko na agad na magsumbong sa piaka-malapit na police station kung may alam o may makita silang mga rice vendor na lumabag dito o iyong mga nagbebenta na lagpas sa itinakdang presyo upang agad itong maaksyonan.

Samantala, patuloy naman ang DA at DTI kasama ang ibang mga ahensya sa pagsasagawa ng monitoring sa mga bodega ng bigas kaugnay pa rin sa pagpapatupad ng EO 39. | ulat ni Maymay Benedicto | RP1 Davao

Photo: Department of Agriculture XI

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us