Nakamit ni EJ Obiena ang unang Gold Medal ng Team Philippines sa Hangzhou Asian Games.
Tumalon si Obiena sa bagong Asian Games record na 5.90meters para sa makasaysayang panalo–ang kaunahang Athletics Gold ng Pilipinas mula nang pagharian ni Lydia de Vega ang 100meters sa 1986 Seoul Asiad, 37 taon na ang nakakalipas.
Ito rin ang tumapos sa kabiguan ng Pilipinas sa unang anim na araw na kumpetisyon sa China, kung saan tanging 1 silver at 6 na bronze ang napagwagian.
Samantala, naibulsa ni Bokai Wang ng China ang silver sa talon na 5.65m kaparehas ng sa bronze medalist na si Al Hizam ng Saudi Arabia.
Dahilan sa panalo, makakatangap si EJ ng P3 milyong insentibo mula sa Philippine Sports Commission at sa Philippine Olympic Committe.| ulat ni Judith Caringal