PSA Region IX, hinimok ang kooperasyon ng mga magsasaka para sa Census of Agriculture and Fisheries 2022

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad na ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region IX ang Census of Agriculture and Fisheries (CAF) 2022 simula sa buwan ng Setyembre nitong taon.

Ayon kay PSA IX Regional Director Mewchun Pamaran, hinihimok nito ang kooperasyon ng respondents partikular ang mga magsasaka’t mangingisda para sa naturang senso.

Aniya mahalaga ang CAF 2022 dahil maaari itong gawing batayan sa paggawa ng mga programa at polisiya para sa mga magsasaka at mangingisda.

Siniguro naman ni Pamaran na ang lahat ng mga impormasyon na ibabahagi sa census ay mananatiling kumpidensyal alinsunod sa RA 10173 o Data Privacy Act of 2012 at Section 26 ng RA 10625 o Philippine Statistical Act of 2013.

Ang CAF 2022 ay ang pinakamalaking senso ng pamahalaan upang mangalap ng mga pangunahing datos sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Isinasagawa ang naturang senso kada sampung taon at nitong 2023 ay may tema itong “CAFarmer, CAFisher, Tayo ang Bida!”| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us