Magkakaroon ng dagdag na kita ang mga rice retailer sa lungsod ng Laoag matapos matanggap ang P15,000 na ayuda mula sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Laoag kay Ms. Joan Nacnac, may-ari ng bigasan sa merkado publiko, natutuwa sa natanggap na ayuda na pambili ng well-milled rice na ibebenta sa halagang P45 per kilo.
Sa ngayon, sinabi ni Nacnac na wala pang nahahanap na supplier ng regular milled rice dahil nasa P44 per kilo ang puhunan.
Umaasa naman ito sa mga susunod na buwan ay mag-uumpisa ang anihan sa Ilocos Norte upang magkaroon ng suplay ng bigas para ibenta ng mas murang halaga habang makakatulong ito sa publiko. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag