PNP AVSEGROUP, nananatiling naka-heightened alert kasunod ng mga natatanggap na bomb threat sa paliparan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Todo higpit pa rin ang pagbabantay ng Philippine National Police – Aviation Security Group o PNP AVSEGROUP sa lahat ng paliparan sa buong bansa.

Ito’y kasunod ng mga natatanggap na bomb threat sa e-mail ng Air Traffic Service ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP noong isang linggo.

Ayon kay PNP AVSEGROUP Director, P/BGen. Jack Wanky, mula noong isang linggo hanggang nitong weekend, nagsagawa sila ng paneling sa pangunguna ng kanilang explosive at ordinance team upang matiyak na ligtas ang lahat ng paliparan sa bansa.

Pag-amin pa ni Wanky, maging sila ay nakatatanggap din ng mga kaparehong bomb threat noong isang linggo kaya’t ito ang nagtulak sa kanila para umaksyon.

Magugunitang inalerto ng CAAP ang 42 paliparan sa buong bansa kasunod ng natanggap na banta ng kanilang Air Traffic Service na may isa umanong eroplano ang sasabog kung saan, madadamay ang Cebu, Palawan, Bicol at Davao. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us