Sisiguruhin ng Commission on Elections (Comelec) na magbibigay agad ang honorarium ng mga gurong magsisilbing bilang miyembro ng Electoral Board sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito ang ipinangako ni Comelec Chairman Atty. George Erwin Garcia sa isang press conference sa Davao City.
Ayon kay Garcia na kahit na nasa 10 araw lang nung nakaraang 2022 National and Local Elections ay naibigay na agad nila ang mga honorarium, ngayong paparating na BSKE mas pagsisikapan nilang mapabilis ang pagbigay ng nasabing kompensasyon sa mga guro.
Inihayag ng opisyal na para sa ngayong BSKE 2023, itinaas nito ang honorarium ng guro mula sa P6,000 na libo nung nakaraan magiging P10,000 para mga Chairman ng Electoral Board habang P9,000 naman para sa mga miyembro nito mula sa P5,000.
Paliwanag ni Garcia na itinaas nila ang honorarium dahil manual voting BSKE kung saan mas mahabang oras ang igugugol ng mga guro. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao