Dalawang lider ng transport group, nag-sorry kay DILG Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binawi ng dalawang lider ng transport group sabay hingi nang paumanhin kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. sa kanilang naipahayag na mga maling akusasyon.

Inakusahan kasi nina PASANG MASDA President Obet Martin at ALTODAP President Boy Vargas si Abalos sa umano’y hindi pag-aksyon sa kanilang mga hinaing.

Sabi ni Martin, nagkaroon lang daw ng miscommunication pero wala na raw problema.

Sa panig ni Abalos, bumuo na siya ng technical working group (TWG) para tugunan ang problemang idinulog ng transport groups.

Nauna nang nagpadala ng liham ang Magnificent 7 sa kalihim noong Hunyo 2023, at ipinaabot ang mga issue at concerns na kinakaharap ng sektor ng jeepney transport.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us