Patuloy ang monitoring ng Department of Trade and Industry sa presyo ng bigas sa Ilocos Norte.
Ito ay kahit natanggal na ang implementasyon ng EO 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa programa ng DTI Region 1 na Tutngtungan: Trabaho Negosyo Konsyumer, (TTNK), sinabi ni Mr. Dominador Alberto, head ng Consumer Protection Division sa lalawigan, sa ginagawang monitoring ay malalaman din nila ang dami ng aning palay ng mga magsasaka.
Isiniwalat ni Alberto na may mga ilang nagbebenta na ng P41/kilo ng bigas o regular milled rice o mas mababa pa sa ilang bayan sa lalawigan
Maalalang umabot sa 301 ang nakatanggap ng cash assistance na P15,000 mula sa DSWD-Sustainable Livelihood Program. | via Ranie Dorilag | RP1 Laoag
📸DTI Region 1