Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia may abiso sa publiko para sa schedule ng kanilang mga consular services

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia sa publiko ang pansamantalang schedule para sa ilang consular services.

Ayon sa abiso, ang mga sumusunod na consular services ay ibibigay lamang sa pamamagitan ng appointment mula ika-15 hanggang ika-19 ng Oktubre 2023, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Kabilang dito ang marriage application, report of marriage, report of birth, at notarials.

Bukod dito, ang Consular Section ay sarado sa publiko mula alas-1:00 hanggang alas-5:00 ng hapon sa mga nabanggit na petsa.

Upang magtakda ng appointment, mangyaring bisitahin ang website ng Embahada.

Magpapatuloy naman sa ika-22 ng Oktubre 2023 ang regular na oras ng operasyon ng nasabing consular section. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us