Labi ng isang sanggol na inilibing sa sementeryo ng Kapihan Socorro SDN, hinukay ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinukay ng NBI ang labi ng isang sanggol na nakalibing sa itinurong sementeryo ng Socorro Bayanihan Services, Inc (SBSI) sa Kapihan, Socorro, Surigao del Norte kaninang umaga, Oktubre 14, 2023 sa ginawang ocular inspection ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa nasabing lugar.

Ito ay pagpapatunay na doon rin lang mismo nililibing ng SBSI ang namamatay nilang miyembro at hindi sa public cemetery ng bayan.

Napag-alaman rin mula sa ama ng bata na si Randolf Balbarino na namatay ang kanyang anak noong Disyembre 16, 2021, dalawang araw mula ng ipinanganak dahil ayaw siyang payagang dalhin ito sa ospital.

Maliban sa nasabing sanggol, marami pang mga patay na bagong silang na sanggol ang nakalibing sa nasabing lugar.| ulat ni Nerissa Espinosa| RP1 Tandag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us