MSMEs susuportahan ng DTI para sa Halal certification

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing ipinapahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang suporta sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng pag-streamline sa proseso ng Halal certification.

Layunin ng DTI na lumikha ng isang roadmap na tututok sa pagsusulong ng Halal certification para sa mga MSMEs sa iba’t ibang sektor, kabilang na ang pagkain.

Ayon kay Aleem Siddiqui Guiapal, program manager ng Halal industry development, layon ng kagawaran na makapagtalaga ng investments na aabot P230 bilyon mula 2023 hanggang 2028, na makakalikha ng nasa 120,000 trabaho.

Binigyang diin naman ni Rahmatol Mamukid, Director ng Bureau of Muslim Economic Affairs, ang kahalagahan ng Halal certification, na nagbibigay kumpiyansa sa mga mamimili, lalo na sa mga matataas ang pananampalataya.

Sa ngayon, aabot sa higit 1,800 na produkto na ang may Halal certification, para sa merkado na binubuo ng nasa 10 hanggang 12 milyong mamimili sa Pilipinas.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us