Presyo ng pagkain, sinigurong patuloy na tututukan ng Kamara — House Agri Panel chair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na babantayan ng House Committee on Agriculture and Food sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural.

Ayon kay Quezon Rep. Mark Enverga, chair ng komite, inatasan sila ni Speaker Martin Romualdez na tiyaking abot kaya ang bilihin lalo na ang pagkain salig na rin sa mithiin ng Marcos Jr. administration.

“Upon the instruction of our Speaker Martin G. Romualdez and in line with the desire of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. to make food products affordable, we will observe and address food inflation,” ani Enverga.

Kung kinakailangan ay magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder, upang mapigilan ang hindi makatwirang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Punto ng mambabatas, itutuon nila ang atensyon sa interes ng mga Pilipino kaysa magpadala sa mga isyu.

“That’s water under the bridge now because the House has already decided to realign those funds to agencies concerned with the country’s security and territorial integrity. Those affected should respect the House decision,” diin ni Enverga.

Patunay aniya dito ang inihaing kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) laban sa mga sangkot sa hindi makatwirang pagtaas ng presyo ng sibuyas ng hanggang P700 noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga sinampahan ng reklamo ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) at opisyal ng Bonena Multipurpose Cooperative.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us