Aspeto ng kaligtasan sa pagsusulong ng nuclear energy, dapat unahin – Sen. Sherwin Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Senador Sherwin Gatchalian sa gobyerno ang kaligtasan sa isinusulong na paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas.

Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng paglagda ng Pilipinas at Estados Unidos sa isang nuclear cooperation pact, kung saan tatanggap ang ating bansa ng mga pamumuhunan at suporta sa teknolohiya para tulungan ang bansa na makalipat sa paggamit ng mas malinis na enerhiya.

Iginiit ni Gatchalian, ang pangangailangan na magkaroon ng nuclear law ang Pilipinas para masiguro ang ligtas na paggamit ng nuclear energy.

Paliwanag ng mambabatas, dapat palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa paggamit ng nuclear energy kaya kailangang magkaroon ng transparency tungkol dito.

Kailangan rin aniyang tiyakin ng gobyerno ang pagsunod sa mga pandaigdigang pamantayan.

Una nang naghain si Gatchalian ng isang resolusyon para alamin ang mga aktibidad, output at mga nagawa ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee, at ang rekomendasyon nito para sa bansa kaugnay ng isang nuclear power program. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us