Nagsagawa ng passing exercise ang BRP Conrado Yap (PS39) ng Philippine Navy at USS Gabrielle Giffords (LCS10) ng US Navy sa West Philippine Sea (WPS) kahapon.
Nagtagpo ang dalawang barkong pandigma sa kanlurang karagatan ng Lubang Island, at kinumpleto ang ehersisyo na layong subukan ang kanilang kapabilidad sa komunikasyon sa isang “real life scenario.”
Bahagi ito ng 3-araw na Joint Maritime Cooperative Activity (MCA) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) na nagsimula nitong Martes at tatagal hanggang ngayong araw.
Ang joint maritime activity ay pagpapakita ng commitment ng AFP at INDOPACOM sa alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagtataguyod ng katatagan at seguridad sa rehiyon nang naayon sa international law at rules-based international order. | ulat ni Leo Sarne
📸: Naval Forces Northern Luzon