Davao City PNP, nagsagawa ng search and rescue sa ilang lugar sa lungsod bunsod ng pagbaha dala ng malakas na buhos na ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng Search and Rescue Operations ang ilang istasyon ng Davao City Police Office (DCPO) sa lugar na binaha sa lungsod bunsod na malakas na buhos ng ulan na nagsimula bandang alas 10 ng gabi ng Miyerkules, Nobyembre 8, 2023.

Sa report ng DCPO, isinagawa ng Baliok Police Station at Talomo Police Station ang pagpapalikas sa mga pamilya ng apektado ng baha sa kani-kanilang areas of responsibility.

Aabot sa 24 na pamilya ang nailikas sa nasabing Search and Rescue Operation kasama ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Responders kung saan 21 ang mula sa Baliok Police Station at tatlo sa Talomo Police Station.

Ilan sa mga barangay na binaha ay ang Barangay Baliok, Bago Gallera, Bago Aplaya, Catalunan Pequeño at Talomo Proper.

Wala namang natalang patay o sugatan sa nasabing pagbaha sa lungsod. | Armando Fenequito | RP1 Davao

📸 DCPO-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us