DOTr, iginiit na consolidation lamang at hindi phaseout sa mga tradisyunal na jeepney ang itinakda nilang December 31 deadline

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ng Department of Transportation o DOTr sa mga transport group na wala silang dapat ikatakot dahil wala namang mangyayaring phaseout sa mga tradisyunal na jeepney.

Ito ang inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista makaraang igiit nito na consolidation lamang at hindi phaseout ang itinakda nilang December 31 deadline.

Una rito, sinabi ni Bautista na hindi sila tumitigil sa pakikipag-ugnayan sa mga transport group partikular na ang PISTON para kausapin at linawin ang ilang usaping pilit pinalalabo ng ilan.

Samantala, ipinagmalaki naman ng DOTr na nakakuha sila ng suporta sa Kongreso sa pangunguna ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights – Philippines Taxi Drivers Association o DUMPER PTDA Partylist. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us