DSWD at Sarangani LGU, namahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol
Muling nagkaloob ng tulong ngayong araw ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Sarangani Province.
Kasama ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang ilang local officials at iba pang DSWD Officials sa pamamahagi ng family food packs sa mga residente.
Bago ang pamamahagi ng tulong, nakipagpulong muna si Secretary Gatchalian kina Sarangani Governor Rogelio Pacquiao at Congressman Steve Chiongbian kasama ang iba pang DSWD Officials.
Kabilang sa tinalakay sa pulong ang maayos at sabayang pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ng 6.8 magnitude earthquake na tumama sa ilang lugar sa Mindanao.| ulat ni Rey Ferrer