Granadang itinapon sa isang gas station sa Siquijor, agad na-detonate ng kapulisan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Laking pasasalamat ni Siquijor Governor Jake Vincent Villa sa matagumpay na pagresponde ng kapulisan sa insidente ng pagtapon ng granada sa isang gasoline station sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Villa, malaking bagay ang maagap na kilos ng Siquijor Police Provincial Office at Siquijor Municipal Police Station dahil walang nasaktan sa nasabing insidente.

Matapos makatanggap ng tawag, agad na rumesponde ang pulis at nai-cordon ang area upang walang madamay na sibilyan.

Mabilis ding nailipat sa katapat na bakanteng lote ang granada at doon na na-detonate ng awtoridad.

Pinagsanib pwersa ng Siquijor PPO sa pangunguna ni Provincial Director Police Colonel Robert Lingbawan at Siquijor MPS sa pangunguna ng kanilang hepe na si Police Major Michael Rubia. | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us