LTO, patuloy sa pagbibigay ng libreng theoretical driving course para sa mga student driver applicant

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng Land Transportation Office (LTO) ng libreng theoretical driving course (TDC) para sa mga pre-registered na student driver applicant.

Ngayong buwan ng Nobyembre, may tig-dalawang araw kada linggo ang inilalaan ng dalawang tanggapan ng LTO-NCR kabilang ang LTO-NCR Regional Office sa Araneta, Quezon City na may libreng seminar tuwing Martes at Miyerkules ng buwan.

Simula naman ngayong araw, November 9-10 hanggang sa mga susunod na Huwebes at Biyernes ng Nobyembre ang iskedyul ng libreng TDC sa LTO Pasay City Licensing Center.

Ayon sa LTO, ang inisiyatibong ito ay bahagi na rin ng pagsisikap na makahubog ng mga disiplinado at responsableng drayber.

Inaasahang makatutulong din ang complimentary TDC program para sa mga walang kakayahang magbayad ng student permit application at makakuha ng mahalagang edukasyon sa pagmamaneho.

Para maka-avail ng libreng seminar, kailangan lamang magrehistro online sa LTO NCR Facebook page. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us