Binigyang diin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang kahalagahan ng panukalang Ligtas Pinoy Center Act (Senate Bill 2451), na layong magpatayo ng mga maayos na evacuation centers sa buong Pilipinas.
Ginawa ng senador ang pahayag, makaraang maipresinta ni Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada ang naturang panukala sa plenaryo ng Senado.
Giit ni Go, mahalagang nakahanda ang ating bansa sa anumang sakuna o kalamidad na darating sa Pilipinas kaya kailangan ay may ligtas, maayos at malinis na evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad.
Dinagdag rin ng mambabatas, na ang pagpapatayo ng mga evacuation center ay makakatulong rin para hindi na maantala ang pag-aaral ng mga estudyante, dahil sa kasalukuyan ay kadalasang ginagamit ang mga silid-aralan bilang temporary shelter.
Dapat rin aniyang magkaroon ang mga itatayong evacuation center ng sapat na emergency packs, maayos na matutulugan, malinis na tubig, gamot at relief goods. | ulat ni Nimfa Asuncion