Senador, aminadong masama ang loob sa pagsusulong ni senadora risa hontiveros na makipagtulungan ang gobyerno sa ICC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na masama ang loob niya kay Senadora Risa Hontiveros matapos nitong maghain ng resolusyon ngayong araw na naghihikayat sa malakanyang na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Internatiopnal Criminal Court (ICC) tungkol sa naging war on drugs ng administrasyon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ngayong hapon, sinabi ni Dela Rosa na bagamat inasahan na niya ito mula kay hontiveros ay sumama pa rin ang loob niya dito dahil personal sa kanya ang isyu lalo’t isa siya sa mga subject ng imbestigasyon ICC.

Matatandaang nang ipatupad ni dating Pangulong Duterte ang war on drugs ay si Senador Bato ang nagpatupad nito bilang hepe noon ng PNP.

Sa pananaw ni Dela Rosa, hindi na kailangang bigyan ng oras ang resolusyon na ito lalo’t una na aniyang pianahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi niya pahihintulutan ang mga dayuhan na makialam sa justice system ng Pilipinas.

Mamayang gabi ay magkakaroon ng salu-salo ang mga Senador kasama si Pangulong Marcos Jr. Kung magkakaroon aniya si Dela Rosa ng pagkakataon ay bubuksan niya sa pangulo ang paksa tungkol sa ICC.

Magpapasalamat aniya siya sa punong ehekutibo para sa posisyon nito laban sa International Tribunal na hindi papayagan ang ICC na pumasok sa hurisdiksyon ng Pilipinas.

Nang matanong tungkol sa naging pahayag ni Pangulong Marcos Jr. na pag-aaralan ng administrasyon ang posibleng pagsapi muli sa ICC.

Sinabi ni Dela Rosa na sa tingin niya ay nagiging gentleman lang ang pangulo tungkol sa usapin.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us