Nasagip ang tinatayang nasa 102 na mga Badjao sa ikinasang Sama Bajau Operation ng pamahalaang lungsod ng Antipolo sa bahagi ng Barangay de la Paz, Barangay Mayamot, at Barangay Sta. Cruz kamakailan.
Ayon sa opisyal na pahayag ng pamahalaang lungsod ng Antipolo, naging kinatuwang ng City Social Welfare and Development Office sa nasabing operasyon ang iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan kasama ang mga barangay personnel mula sa lugar.
Agad namang inihatid ng CSWDO ang mga Sama Bajau sa bayan na kanilang pinagmulan upang maging maayos at ligtas silang makabalik sa kani-kanilang mga tahanan matapos ang nasabing operasyon .
Dagdag pa ng lokal na pamahalaan magpapatuloy ang puspusan na rescue operation sa mga Badjao lalo na ngayong paparating na Pasko na inaasahang panahon ng kanilang pagdagsa sa mga lansangan. | ulat ni Joshua Suarez | RP1 Lucena