Mawawalan ng suplay ng tubig ang 14 na barangay sa Quezon City simula bukas ng gabi, Disyembre 27 hanggang Disyembre 28 ng umaga.
Sa abiso ng Maynilad Water Services Inc., ang ipapatupad na water service interruption ay bunsod ng isasagawang valve replacement sa kahabaan ng Regalado Ave. at kanto ng Commonwealth Ave., Quezon City.
Kabilang sa maaapektuhan ay ang Barangay Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Gulod, Holy Spirit, North Fairview, Payatas, San Bartolome, Sauyo, Sta. Lucia, Sta. Monica, at Barangay Talipapa.
Apektado din ng kawalan ng suplay ng tubig ang Hobart Subdivision sa Barangay Ugong Valenzuela City.
Ngayon pa lang, pinapayuhan na ang mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat tubig. | ulat ni Rey Ferrer