Kasama ang Dumanguillas Bay sa lalawigan ng Zamboanga del Sur sa mga lugar ng bansa, partikular na sa Mindanao at Visayas, na idineklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mayroong paralytic shellfish poison o toxic red tide.
Ito’y batay sa pinakahuling Shellfish Bulletin No. 28, series of 2023, ng DA-BFAR.
Ayon sa BFAR, ang mga lugar na mayroong tide ay hindi ligtas kainin ng mga tao ang lahat ng uri ng shellfish o alamang.
Ang mga lugar sa Mindanao na may red tide ay ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Lianga Bay sa Surigao del Sur, at ang coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.
Sa bahagi ng Visayas ay ang Saplan Bay sa Capiz at Aklan, coastal waters ng Panay, Pilar, President Roxas at Roxas City sa Capiz, coastal waters ng Gigantes Islands sa Ilo-Ilo, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa lalawigan ng Bohol.
Giit ng BFAR na ang pagkain ng mga alamang na may red tide toxins ay maaaring humantong sa lagnat, pantal, pagkahilo, pamamanhid, at respiratory arrest.
Sinabi ng ahensya na ang mga isda, pusit, hipon, at alimasag ay ligtas namang kainin maliban lamang kung ito’y sariwa, hinugasan nang maigi, at tinanggalan ng hasang at bituka ng mga ito bago lulutuin. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga