Mababang Kapulungan, handang tumulong sa pagresolba sa jail congestion ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ni Speaker Martin Romualdez ang commitment ng Kamara para tumulong na solusyunan ang jail congestion sa bansa.

Sa mensahe ng House leader sa National Jail Decongestion Summit na ginanap ngayong araw, ipinunto nito na hindi lang basta logistical o infrastructure issue ang usapin ng pagsisikip sa piitan ngunit usapin aniya ng human rights.

Batay sa ulat ng Department of Justice, 70 percent ng mga detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay congested o puno na ng hanggang 386 percent.

Pagsiguro ni Romualdez, na diringgin ng Kamara ang iba’t ibang panukala kung paano maresolba ang jail congestion.

Ilan sa mga ito ay ang review sa klasipikasyon ng capital at non bailable crimes na bahagi ng pag-amyenda sa Revised Penal Code, panukala para sa Diversion of Adult Offenders, Unified Penology System at Reintegration and Psychosocial Rehabilitation para maiwasan ang repeat offenders.

Paalala ng House Speaker, hindi lang basta mga panukalang batas ito para mapaluwag ang mga piitan bagkus ay para sa kapakanan ng mga persons deprived of liberty na namamalagi dito.

“As we deliberate over these proposals, let us remember that at the heart of our discussions are real people — individuals whose lives and futures depend on the decisions we make and the actions we take. Our duty is not just to the law but to humanity,” dagdag ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us