Nagkasundo ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Japan na palakasin pa ang maritime cooperation sa gitna ng paninindigang dapat na umiral ang United Nations Charter at ang 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Sa gitna ito ng mithiing dapat na mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.
Ang hakbang ay bahagi ng Implementation Plan of the Joint Vision Statement kung saan ay kabilang din ang pagtiyak sa freedom and safety of navigation, malayang kalakalan, pagpapaigting sa maritime domain awareness at kooperasyon sa hanay ng coastguards at relevant law enforcement agencies.
Bahagi din ng plano ang pagpapalawak ng defense cooperation at equipment, technology cooperation, joint training and exercises at human resource development gayundin ang academic exchanges.
Sa ilalim ng Marcos Administration ay matibay ang paninindigan ng pamahalaan na tumalima sa pandaigdigang batayan na may kinalaman sa kaayusan at magtataguyod ng isang malaya at bukas na rehiyon ng Indo-Pacific.| ulat ni Alvin Baltazar