Goat industry ng La Union, patuloy na pinapalakas ng DOLE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-iikot ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa iba’t-ibang bahagi ng La Union upang mamahagi ng mga alagang kambing sa mga benepisiyaryo.

Kamakailan lamang ay nagtungo ang team ng DOLE sa bayan ng Sudipen, La Union at sa pangunguna ni DOLE La Union Head Veronica Corsino ay ipinamahagi ang 56 na kambing sa mga residente.

Maliban sa mga alagang kambing, naghandog pa ang kagawaran ng sampung kaban ng bigas at dalawang chest freezer para sa sustainable livelihood program ng mga residente.

Nagkaloob din ang ahensiya ng 40 alagang kambing sa mga benepisiyaryo sa bayan ng Bagulin.

Ito’y bahagi ng layuning palakasin ang goat industry ng lalawigan lalo na’t sa ngayon ay maganda ang bentahan ng karne ng kambing.

Una nang namahagi ang DOLE ng mga alagang kambing sa iba pang mga bayan sa lalawigan.

Nakatakdang isailalim sa Goat Management Training ang mga benepisiyaryo upang matiyak na maging matugumpay ang kanilang kabuhayan. | ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo

📷LGU-Sudipen, La Union

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us