Paiigtingin pa ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagtugon sa panahon ng sakuna at kalamidad sa tulong ng upgraded na volunteer emergency response vehicles.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni PRC Chairman Richard Gordon na palakasin pa ang kakayahan ng PRC sa pagresponde sa emergency at pagpapatupad ng mga programa nito.
Kaugnay nito nasa walo sa 13 volunteer emergency response vehicles na in-upgrade ng PRC National Head Quarters ang i-dineploy na sa mga chapter nito sa Mindanao ngayong araw.
Tampok sa bagong feature ng mga sasakyan ang Public Address System, Early Warning Light, Blinker, GPS na naka-konekta sa kanilang Operations Center, at maliit na megaphone na magagamit para sa emergency response.
Kabilang naman sa PRC Mindanao Chapter na makatatanggap ng upgraded na volunteer emergency response vehicles ang Agusan del Norte, Bukidnon, Cotabato City, Davao City, Davao del Sur, Gingoog City, Iligan City, Lanao del Sur, Sultan Kudarat, Sulu, Surigao del Norte, Tawi-Tawi, at Zamboanga City.| ulat ni Diane Lear