Tinatayang magpapatupad ng rate cut ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 100 percent ngayong 2024.
Sa isang panayam kay Finance Secretary Benjamin Diokno, sinabi nito na inaasahan niya ang reverse repurchase rate ng 5.5 percent hanggang sa katapusan ng taon mula sa kasalukuyang 6.5 percent.
Aniya, maaring magsipa ang pagluwag ng interest rate sa Pilipinas sa pangalawang bahagi ng taon o sa buwan ng Hunyo.
Dagdag pa ng Diokno na siya ring policymaking Monetary Board, ang 75-basis-point na rate cut ng US Federal Reserve ngayong taon ay maaring pantayan ng BSP o gawin na itong 100 basis points.
Pagtiyak ng kalihim na ang rate cut na gagawin ng gobiyerno ay ibabase ng BSP sa datos.
Una nang sinabi ni BSP Gov. Eli Remolona na kapag nagtuloy-tuloy ang downward trend ng inflation ay magpapatupad ng rate cut ang monetary board.| ulat ni Melany V. Reyes