Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na tutulungang makuha ng mga overseas Filipino worker ang kanilang hindi nabayarang sahod at benepisyo sa kanilang Saudi employers.
Sa isang pulong balitaan, inihayag ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na nakikipag-ugnayan na sila sa gobyerno ng Saudi para sa mga hindi pa nakatatanggap ng tseke.
Dagdag pa ni Cacdac, na tutulungan din ng Landbank of the Philippines at Overseas Filipino Bank ang DMW sa pagproseso ng mga benepisyo para sa namatay na mga OFW claimant.
Gayundin, ang mga claimant na magkakaproblema o hindi tama ang spelling ng pangalan sa kanilang mga tseke.
Sa ngayon, umabot na 843 na mga claimant ang nai-proseso na ang tseke at nakakuha ng kanilang mga benepisyo.
Ikinalugod naman ni Cacdac ang magandang balitang ito at sinigurong magpapatuloy ang pagtulong ng DMW para sa mga OFW claimant.| ulat ni Diane Lear