Nasa higit P3 milyong halaga ng programa ng pamahalaan at cash aid ang ipinaabot ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa may 50,000 benepisyaryo o halos kabuuan ng populasyon ng Siquijor.
Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng ika-12 BPSF ngayong Linggo sa Siquijor State College Gymnasium sa Larena.
Ito ang kauna-unahang BPSF sea Region 7.
Pagsiguro ng House leader na pinakamaliit man ang Siquijor sa mga lalawigan ng Central Visayas, ay kasama pa rin sila sa Bagong Pilipinas.
Ang BPSF ang pagbibigay katuparan sa hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mailapit ang serbisyo sa gobyerno sa taumbayan.
Nasa tatlumpu’t siyam na ahensya ng pamahalaan ang nakibahagi sa serbisyo fair na may dalang 200 serbisyo.
Sa P300 million na halaga ng programa at serbisyo P117 million dito ay tulong pinansyal kabilang ang AICS payout sa may 30,000 beneficiaries na may halagang P80 million.
Kasama rin dito ang pamamahagi ng scholarship program ng TESDA at CHED at livelihood assistance.| ulat ni Kathleen Forbes