Nagpahayag ng pagsuporta sa panukalang revision ng economic provisions ng 1987 Constitution ang Joint Foreign Chambers of Commerce in the Philippines (JFC).
Ayon sa JFC, bibigyan daan nito ang mas maraming foreign direct investment sa Pilipinas na nanatiling nahuhuli sa Southeast Asia.
Sa ipinadalang liham ng JFC kay House Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na kinikilala nila ang mandato ng gobiyerno na protektahan ang mahahalagang interes sa pamamagitan ng paglalagay ng restriction sa foreign direct investments sa pamamagitan ng Kongreso o Executive Regulations.
Ipinaliwanag din ng JFC na mas bentahe ang paggamit ng lehislasyon o ehekutibong pamamaraan na ayusin ang regulasyon para sa FDI na naangkop sa pagbabago ng teknolohiya at international treaties o pakinabanangan ang mga bagong opportunidad mula sa global economy.
Base sa ASEAN investment report 2023, tumaas ang dagsa ng FDI sa rehiyon ng 5.5 percent nuong 2022 na nasa tinatayang 3.6 trillion dollars gayumpaman, ang Pilipinas ay naungusan ng limang iba pang bansa sa pagkuha ng FDI inflows.
Ayon pa sa JFC, ang probisyon na “unless otherwise provided by law” sa pag amyenda sa restrictive provision ay hindi magdadala ng “strong signal” sa mga dayuhang mamayan.
Ang JFC ay kinabibilangan ng bansang America, Australia-New Zealand, Canadian, European, Japanese, Korean Chambers of the Commerce at Philippine Assciation of Multi National Companies Regional Headquarters.| ulat ni Melany V. Reyes