Limang mahahalagang direktiba ang inihabilin ni President Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang situation briefing na ginanap sa Agusan del Sur noong Biernes, Pebrero 16. Ito’y bilang tugon ng pamahalaan sa 77,966 pamilya o 313,448 indibidwal na apektado ng kalamidad sa Caraga Region.
Iniutos rin nito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy ang pagbibigay ng relief goods.
Bilang pagsiguro na maiiwasan ang cholera outbreak pinapatutukan ng Pangulo sa Department of Health (DOH) ang pangangailangang medikal dahil mayroon nang inilaan ang gobyerno para dito na nagkakahalaga ng P42 milyon.
Saad ng Pangulo, magpapatuloy ang Department of Agriculture (DA) na magbibigay ng tulong pinansiyal àt agricultural inputs para makabangong muli ang mga magsasaka.
Iniutos naman sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat mayroong malinis na tubig mainom ang mga nasalanta, samantalang ipa prioridad ng DPWH ang rehabilitasyon sa mga daan na nasira ng baha at pagguho ng lupa, kasama na rito ang mga kalsada sa mga na isolate na mga barangay| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan