Personal na iniabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang special financial assistance sa 12 sundalo na nagtamo ng injury, habang nakikipaglaban sa hanay ng Dawlah Islamiyah-Maute Group (DI-MG), na involved rin sa pagpapasabog sa gymnasium ng Mindanao State University-Marawi, noong Enero.
Naka-confine ang mga ito sa Army General Hospital (AGH), Taguig City.
Ayon kay Communications Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, bukod sa pagbibigay ng financial support, pinangunahan rin ng pangulo ang paggagawad ng Gold Cross Medal, Military Merit Medal na mayroong Bronze Spearhead Device, at Wounded Personnel Medal para sa apat na sundalo na wounded in action (WIA).
Sa mensahe ng Pangulo, kinilala nito ang katapangan at hindi matatawarang dedikasyon ng mga sundalo sa pag-protekta sa mga Pilipino at sa pagdepensa sa bansa, laban sa masasamang elemento na nagiging banta sa seguridad ng Pilipinas.
Pangako ng Pangulo, magpapatuloy rin ang effort ng pamahalaan sa pagpapaabot pa ng assistance mga casualty ng AFP operations at sa pamilya ng mga ito.
“President Marcos also assured them of the government’s continued efforts to implement programs that will provide assistance to battle casualties and promote the welfare of the personnel of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and their families.” -Secretary Garafil.
Makakasa rin aniya ang tropa ng pamahalaan na tinatrabaho na ng Office of the President ang request ng AGH at Camp Evangelista Station Hospital (CESH) para sa karagdagang equipment, upang mas maserbisyuhan pa ang tropa ng pamahalaan.
Present sa pagbibigay parangal sa mga sugatang sundalo ay sina National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr., Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., at Philippine Army (PA) Commanding General, Lt. Gen. Roy Galido.| ulat ni Racquel Bayan