Ibinahagi na ng iba’t ibang simbahan ang kanilang mga schedule ng mga misa para sa paparating na Ash Wednesday o Miércoles de Ceniza na isasagawa sa ika-14 ng Pebrero.
Sa Manila Cathedral, 7:30 ng umaga magsisimula ang unang misa na susundan sa ganap na 12:10 na pangungunahan ni Cardinal Jose Advincula. Habang ala-6:00 ng gabi isasagawa ang huling misa sa Cathedral.
Kapwa ala-05:00 naman ng umaga magsisimula ang misa para sa Miyerkoles ng Abo sa Simbahan ng Tondo at Quiapo. Ala-9:00 ng gabi ang huling misa sa Tondo habang ala-7:00 naman para sa Quiapo Church.
Ang pagsasagawa ng Ash Wednesday o ang tradisyunal na pagpapahid ng abo sa noo ay hudyat ng pagsisimula ng panahon ng kuwaresma para sa mga Katoliko na magtatapos sa Holy week na tatapat naman sa huling linggo ng Marso para sa taong ito.| ulat ni EJ Lazaro