Ginugunita ngayong araw ika-18 ng Marso taong kasalukuyan ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang ika-56th Bangsamoro Freedom Day.
Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay, “Reflecting on our people’s struggle, renewing our commitment and pledges, reconciling differences, working towards peace and unity, together forging a brighter future for Bangsamoro Homeland and people.”
Base sa panayam kay MP Albakil Jikiri, walang aktibidad na mangyayari ngayong taon, maliban sa kaunting salo-salo kasama ang mga miyembro ng MNLF sa lalawigan ng Sulu, pero gagawin ito sa kani-kanila ng mga lugar, dahil nataon ito sa buwan ng Ramadhan.
Ani Jikiri, ang pagdiriwang ng Bangsamoro Freedom Day ay bilang pag-alala at pagbibigay halaga sa mga sakripisyong ginawa ng mga kapatid nilang MNLF na nakipaglaban upang maisulong ang kapayapaan hindi lamang sa probinsya ng Sulu, kundi maging sa ibang bahagi ng bansa.
Matatandaan, noong mga nakaraang selebrasyon ay nagkaroon pa ito ng parada at programa maliban pa sa pagsasalo-salo ng lahat ng miyembro ng MNLF sa buong lalawigan ng Sulu.| ulat ni Fatma Jinno| RP1 Jolo