Tiniyak ng Department of Transportation (DOT) na magtuloy-tuloy ang biyahe ng mga bus sa Edsa Carousel 24/7 ngayong Semana Santa.
Ayon sa DOTR, layon nito upang may masakyan ang publiko mula sa Monumento sa Caloocan hanggang PITX sa Parañaque.
Partikular ang mga bibiyahe patungo ng mga terminal o simbahan.
Bagamat walang operasyon ang MRT-3 simula Marso 28 hanggang 31,bukas naman ang ilang istayon nito malapit sa pick-up at drop-off points ng EDSA Carousel upang madaanan ng mga pasahero.
Partikular na ang Quezon Avenue Station, Santolan Station, Ortigas Station, Guadalupe Station, at Buendia Station.| ulat ni Rey Ferrer