Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na patuloy ang paglikha ng mga paraan ang Marcos Administration upang mapabuti ang business environment sa bansa.
Ito ay upang makahikayat pa ng local at foreign investments na makapagbibigay ng kalidad na mga trabaho para sa mga Pilipino.
Ito ang inihayag ng NEDA kasunod ng inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 4.5% ang unemployment rate noong January 2024 kumapara sa naitalang 4.8% noong January 2023.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, napanatili ng bansa ang mga job-generating investment nito sa pamamagitan at pagtugon sa skill mismatches sa labor market.
Nangako rin ang NEDA na tutugon sa mga pangangailangan ng vulnerable groups, mga kababaihan, kabataan, at may kapansanan.
Umaasa naman si Balisacan na magiging positibo ang resulta ng mga ipatutupad na employment programs ng pamahalaan kasunod ng pagkakaapruba ng implementing rules and regulations (IRR) ng Trabaho Para sa Bayan Act nitong March 5.
Layon nitong maisulong ang employability, competitiveness, at productivity ng mga manggagawa, at matugunan ang mga issue ng unemployment at underemployment. | ulat ni Diane Lear