Kinumpirma ng kumpaniyang PricewaterhouseCoopers (PwC) sa isang pulong kasama si Department of Trade Industry (DTI) Secretary Fred Pascual sa Estados Unidos ang kanilang pangako sa Pilipinas na lilikha ito ng libu-libong trabaho sa bansa.
Ang nasabing pulong ay isa lamang sa mga sideline engagements ng DTI chief sa kasalukuyang isinasagawang US-Japan-Philippines trilateral meeting sa Washington DC.
Sa nasabing pulong, dito ipinahayag ng PwC ang Global Acceleration Center project ng PwC Philippines na naglalayong magdala ng hindi bababa sa 5,000 bagong tabaho.
Kung saan kinikilala rin nito ang lumalagong role ng bansa bilang pangunahing destinasyon para sa mga innovative business process outsourcing (BPO) operation.
Tutuon ang nasabing proyekto sa mga high-value BPO sa larangan ng consulting spaces, kabilang ang artificial intelligence (AI), cloud computing, at cybersecurity.| ulat ni EJ Lazaro