Nakapagtala ang Department of Trade and Industry ng mahigit isang daang bilyong dolyar na kita sa larangan ng export industry sa bansa.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, sa kasalukuyan ay pumalo na sa $103.6 bilyong dolyar ang naitala ng DTI na kabuuang export revenues sa bansa na mas mataas ng 4.8% kumpara noong taong 2023.
Dagdag pa ni Pascual na ang naturang halaga ng export revenues ng bansa ay mula sa sektor ng turismo at sa IT-Business Processing Management na isa sa mga yumayabong na industriya at sektor sa Pilipinas.
Sa huli, muli namang siniguro ni Pascual na mas pagbubutihin pa ng kanilang kagawaran ang mga naitatalang mga magagandang datos sa larangan ng komersyo upang mas mapaganda pa ang ekonomiya ng Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio