Buhos ngayon ang pakikiramay ng mga kongresista sa naiwang pamilya ng namayapang Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga
Si Laguna Rep. Marilyn Alonte, inalala ang kaniyang ‘Tito Pidi’ bilang mambabatas na may malawak na kaalaman sa maritime safety, disaster preparedness at environmental issues.
Kaya naman umaasa si Alonte na opras na mafging ganap na batas ang Magna Carta of Filipino Seafarers at PENCAS Act at maaalala si Barzaga.
“Whenever a tragic maritime tragedy happens, House Committee on Natural Resources Chair, Congressman Elpidio Barzaga Jr was there to pick up the cudgels for the victims,” sabi ni Alonte.
“On a more personal note, I convey my sincerest condolences to my dear friend Mayor Jenny Barzaga, the Barzaga family, and the people of Dasmariñas City on the passing of Congressman Barzaga. I could never thank my Tito Pidi enough for having my back and I am forever grateful for his friendship and support. Rest easy, Chair,” dagdag ng lady solon.
Si Barzaga ay kasalukuyang chair ng House Committee on Natural Resources.
Maging ang magkapatid na Brian at Jolo Revilla na mula rin sa Cavite ay nagdadalamhati sa pagpanaw ni Barzaga.
Ayon kay AGIMAT party-list Rep. Brian Revilla, isang karangalan ang makatrabaho si Barzaga.
Naniniwala rin ito na magpapatuloy ang legasiya ng namayapang kongresista sa Cavite.
“Hindi hindi ko makakalimutan ang lahat ng magagandang aral at bagay na ibinahagi mo sa akin. Your leadership is a great example of how public service should be, the people of Dasmariñas is very lucky to have Cong. Pidi. Walang Agimat Partylist kung walang Cong. Pidi na sumuporta sa atin. You may be gone but your legacy will live on in the hearts of all Caviteños. Maraming salamat po sa lahat Cong. Pidi. Paalam.” saad ng partylist congressman.
Kinilala naman ni Cavite 1st district Rep. Jolo Revilla kung paano ibinuhos ni Barzaga ang kaniyang oras at buhay para sa ikauunlad ng Dasmariñas City.
Taos puso rin ang pakikiramay ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa pamilya, mga kaibigan, at mga tagasuporta na naiwan ni Barzaga.
Aniya ang kanyang dedikasyon at serbisyo sa bayan ay mananatiling alaala ng kanyang pagpanaw.| ulat ni Kathleen Forbes