Sinisiguro ng National Housing Authority (NHA) na matatapos sa mga itinakdang panahon ang mga pabahay project na itinatayo sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Nagsagawa ng inspeksyon si NHA General Manager Joeben Tai, kasama ang iba pang opisyal ng NHA at DHSUD sa mg housing ptoject sa Valenzuela, Bulacan at Nueva Ecija.
Kabilang dito ang Disiplina Village Arkong Bato, Valenzuela City, isang in-city resettlement site na inaasahang magtayo ng 20 low-rise buildings (LRBs) at makabuo ng 960 housing units na may sukat na 24 sqm. floor plans.
Ang housing units ay para sa informal settler families na nakatira sa mga panganib na lugar sa lungsod.
Binisita rin ni GM Tai ang Acacia Greenfield Homes sa Brgy. Manacnac, Palayan City at Camp Magsaysay Place sa Brgy Kalikid Sur, Cabanatuan City ,Nueva Ecija. Nakalaan naman ito para sa uniformed personnel at mga kawani ng gobyerno.
At ang St. Ildephonsus Village Resettlement Project sa Brgy. Anyatam, San Ildefonso, Bulacan.
Alinsunod sa programang Build Better More (BBM) Housing,sinabi ni GM Tai na abot-kaya at dekalidad ang mga pabahay ng gobyerno.| ulat ni Rey Ferrer