Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging ganap na batas ang Negros Island Region (NIR) Act, na layong pag-isahin ang mga probinsya ng Negros Occidental, Negros Oriental, at Siquijor, bilang isang administrative region.
“Yeah, I think, I will sign it,” -Pangulong Marcos.
Paliwanag ng Pangulo, batid niya na mahirap para sa Oriental na mapaabutan ng serbisyo sa regional center.
Matagal na aniyang problema ito, at kailangan padaliin ang pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno sa mga residente sa lugar.
“I think, it (NIR) makes sense because it’s very difficult for Oriental to be, and be serviced in a regional center. So, kailangan talagang maayos ‘yan. Matagal nang problema ‘yan. Until we can consolidate, I can put it all together properly, and right now hindi pa ganun.” -Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, layon ng batas na ito na makaambag sa ease of doing business sa lugar, sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga residente doon.
Makapagbibigay kumpiyansa naman ito sa mga mamumuhunan, sa pamamagitan ng pagpapalakas rin at pagiging episyente ng government transactions sa lugar.
“It is very hard to bring government services to the people. And, that’s the reason behind the regional, the push for making it a single region so that may regional office siya na sarili. And it’s probably a good idea even if only for that.” -Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan