Naniniwala ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc., na nakakaapekto sa negosyo sa bansa ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ayon kay FFCCCII President Dr Cecilo Pedro, dahil sa isyu sa West Philippine Sea, bilyun-bilyong pisong pamumuhunan ang posibleng mawala sa bansa.
Paliwanag ni Dr.Pedro, takot at umiiwas ang mga investors sa mga bansa na mayroong nangyayaring kaguluhan.
Dahil dito, nanawagan ang FFCCCII na magkaroon ng “status quo” sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Mas mahalaga aniya na tutukan na lang ang mga mahahalagang bagay na magtutulak sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Sa pamamagitan nito, makakalikha ng mas maraming trabaho para sa Pilipino at uunlad ang ekonomiya ng bansa.| ulat ni Rey Ferrer