Iginiit ni dating Western Command Chief Vice-Admiral Alberto Carlos na wala siyang ginawang ano mang kasunduan na magtatali sa Pilipinas at sa China at magbabago sa foreign policy sa ng ating bansa.
Sa naging pagdinig ng Senate Committee on National Defense, sinabi ni Carlos na hindi niya ikinompromiso ang territorial integrity ng Pilipinas at hindi rin niya isinuko ang soberenya ng Pilipinas.
Bagama’t kinumpirma ni Carlos na totoong nagkaroon siya ng telephone conversation sa isang Chinese military attaché na kinilala nitong si Senior Colonel “Lee”, nilinaw ni Carlos na walang napag-usapan na ‘new model’ o ‘common understanding na kasama sa kanilang napag-usapan.
Ibinahagi ni dating WESCOM chief na nangyari ang naturang pag-uusap noong Enero ng taong ito at tumagal lang ng tatlo hanggang limang minuto ang pag uusap na ito.
Hindi rin aniya nagbigay si Carlos ng pahintulot para ma-record ang pag uusap nila ni ‘Mr. Lee’ at hindi rin aniya hiningi ang kanyang permiso na ma-record ang naging pag-uusap.
Matapos ang pag-uusap na ito noong Enero ay sinabi ni Carlos na hindi na ito naulit pa. | ulat ni Nimfa Asuncion