Matagumpay na naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang isang illegal shipment na naglalaman ng mga scorpion at exotic pest sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa BOC, nasabat ang parcel dahil sa walang kaukulang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang nasabing parcel ay idineklarang tradisyonal na disenyong shoulder bag, ay ipinadala mula sa Quezon City patungong Mexico.
Sa masusing inspeksyon, natuklasan ng mga awtoridad na ang parcel ay naglalaman ng 36 scorpion at isang container ng isopod.
Sinabi ng BOC na ito ay paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Agad naman itinurn over ang nasamsam na kargamento sa DENR para sa tamang pangangalaga.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, na ang BOC ay mananatiling nakatuon sa pagpapahusay ng seguridad sa mga border upang mapgilan ang iligal na pagpupuslit ng wildlife sa bansa.| ulat ni Diane Lear