Pinangunahan ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang pamamahagi ng sako-sakong bigas para sa mga residente ng Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila na naapektuhan ng sunog kamakailan.
Isinagawa ang nasabing pamamahagi sa Delpan Sports Complex sa Tondo, Maynila kung saan pansamantalang naninirahan sa mga tent ang mga naapektuhang pamilya mula sa sunog na nangyari noong April 10.
Maliban sa mga bigas ay namahagi rin ang senador ng mga wheelchair para sa mga person with disability (PWD) at senior citizen.
Matatadaang umabot sa Task Force Alpha ang sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila kung saan tinatayang aabot sa 1,000 pamilya ang naapektuhan.
Nitong Martes, nagpaabot naman ng tulong pinansyal ang Manila LGU sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna para sa mga pamilyang naapektuhan ng iba’t ibang naganap na sunog sa lungsod kung saan tinanggap ng higit sa 1,000 pamilya ang tulong na nagkakahalaga ng ₱10,000 kada pamilyang benepisyaryo. | ulat ni EJ Lazaro